Dagdag na sahod para sa government nurses, dapat nang ibigay ayon sa isang mambabatas

Muling kinalampag ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Health (DOH) na ibigay na ang dagdag na sahod para sa mga government nurses sa bansa.

Ayon sa kinatawan, June 1, 2021 pa ibinaba ng palasyo ang memorandun para bawiin ang demotion ng mga nurses at naguutos na ipatupad na ang P3,000 pay hike sa basic salary ng mga government nurses.

Paliwanag ng kongresista, maaari namang hugutin ng DBM ang dagdag sahod sa mga nurses sa P29.3-billion compensation adjustment fund sa ilalim ng 2021 national budget.

Ginawa ni Defensor ang panawagan sa gitna na rin ng posibleng pagtaas ng Delta variant sa bansa at matapos mapagalaman na kasalukuyan pa ring hinihintay ng mga nurses sa ospital sa Quezon City ang dagdag sa kanilang sweldo.