Dagdag na Immigration officers, itatalaga sa mga paliparan sa bansa ngayong Holy Week

Handa ang Bureau of Immigration na magdeploy pa ng karagdagang tauhan sa Ninoy Aquino International Airport at iba pang paliparan sa bansa sa panahon ng Semana Santa.

Ito ay dahil sa pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa lalawigan at pagdating naman ng iba mula sa ibang bansa.

Bago pa man ang Lenten break nakitaan na ang ganitong eksena sa mga paliparan kaya’t asahan na ang dagsa ng pasaherong palabas at papasok dito pagkatapos ng Semana Santa.

Ito rin ang dahilan kung bakit kinansela ni Morente ang leave ng mga Immigration officers bago at pagkatapos ng Semana Santa lalo na ang nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport at iba pang pangunahing paliparan para pagsilbihan ang mga pasahero.Nakasaad sa inilabas na memorandum ni Commissioner Morente, hindi na pinapayagan na makapag file ng leave of absence ang mga Immigration officers mula Marso 20 hanggang Abril 20.  | via Rey Ferrer