Dagdag na bisita sa SONA ng Pangulong Duterte, ikinokonsidera — Majority Leader Romualdez


Kinumpirma ni House Majority Leader Martin Romualdez, na posibleng madagdagan ang mga bisita na papayagang dumalo ng pisikal sa state of the nation address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa sa mga suhestiyon sa mga naging paunang pulong kasama ang ehekutibo, ay gamitin ang gallery para makapag-accommodate ng mas maraming mambabatas at bisita.

Bukod dito, isa rin sa ikinokonsidera ayon kay Romualdez ay ang mga fully vaccinated na mga indibidwal lamang ang papapasukin sa mismong venue.

Pero sa ngayon, malaki ang posibilidad na manatili ang dating set-up ng SONA, kung saan hybrid o may mga nasa online platform at may limitadong bilang ng mga guest ang dadalo mismo sa Batasang Pambansa.