Bilang pakikibahagi sa “National Respect for Centenarian’s Day”, inihain ng ACT-CIS Partylist ang House Bill 4895 na layong susugan ang Section 2 ng Republic Act 10868 o ng Centenarian Law.
Base kasi sa orihinal na teksto, mabibigyan ng cash gift ang mga senior citizen na may edad 100-taong gulang.
Sa ilalim ng panukala, itinutulak na ang mga senior citizens na nasa edad-75 ay makatanggap na ng cash gift hanggang sa sapitin ang edad na 100-taong gulang.
Nakasaad dito na lahat ng Pilipino naninirahan man sa Pilipinas o sa ibang bansa ay tatanggap ng pensyon na P20,000 pagtungtong ng 75-taong gulang at magpapatuloy ito tuwing ika-limang taon.
Ngunit pagsapit ng ika-100 kaarawan ay mabibiyaan na ito ng cash gift na P100,000.
Ayon sa grupo, malaking tulong ito para sa pambili ng gamot at iba pang kinakailangan ng senior citizens.