Dagdag benepisyo at kagamitan para sa mga bumbero, isinusulong ni Sen. Go

Isinusulong ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na mas mapalakas pa ang kapasidad ng pamahalaan na tumugon sa mga sunog.

Photo by Sen. Bong Go FB account

Ito ay sa pamamagitan ng inihaing Senate Bill 204 o ang Fire Protection Modernization bill ng senador.

Dito ay isinusulong ang pag-adopt sa Fire Protection Modernization Program, kung saan nakapaloob ang pagkuha ng mas maraming tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), pagbili ng mga makabagong gamit pamatay-sunog at training para sa mga bumbero.

Photo by Sen. Bong Go FB account

Minamandato rin ng panukala ang BFP na magsagaw ang buwanang fire prevention campaign at information drive sa lahat ng mga lokal na pamahalaan lalo na sa mga informal settler area.

Sa kanyang pagdalo sa 46th Fire Service Recognition Day ng BFP, inanunsyo rin nito ang plano ng pamahalaan na bumili ng animnaput apat pang bagong fire truck sa susunod na taon.

Photo by Sen. Bong Go FB account

Tiniyak rin ni Go, na irerekomenda niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglaan ng pondo para sa pagbibigay ng benepisyo sa mga bumberong namamatay o nasusugatan sa pagganap ng kanilang tungkulin, gaya ng benepisyong natatanggap ng mga pulis at sundalo.