DA Usec. Bernadette Puyat, napili ng Pangulo bilang bagong DOT secretary

May napili na ang Pangulong Rodrigo Duterte na bagong kalihim ng Department of Tourism (DOT). Ito ay sa katauhan ni Agriculture Undersecretary Bernadette Romulo-Puyat.

Kinumpirma mismo ito ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go.

Papalitan ni Puyat sa pwesto ang kakaresign lang na dating DOT Secretary Wanda Teo.

Nagbitiw sa pwesto si Teo matapos maharap sa isyu ng pagbabayad ng animnapung (60) milyong pisong ad placement ng tourism department sa Bitag Media, na pagmamay-ari naman ng kanyang mga kapatod na sina Erwin at Ben Tulfo.

Sa kanyang pag-upo bilang bagong DOT secretary, iiwanan ni Puyat ang kanyang posisyon ngayon bilang undersecretary for administration, agribusiness and marketing at iba pang regional engagement sa Department of Agriculture (DA). | via Nimfa Mae Asuncion