DA: Pork products, ligtas pa ring kainin

Ligtas pa ring kainin ang karne ng baboy at mga pork products sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), kahit na nagpositibo sa African Swine Fever ang ilang baboy sa Pilipinas, sa kabuuan ay safe pa ring kumain ng pork lalo’t sumailalim sa maayos na proseso at may sertipikasyon ng National Meat Inspection Service o NMIS.

Photo by DOH FB page

Bukod sa paniniyak ng DA, maging ang Department of Health (DOH) ay nagsabing walang panganib sa kalusugan ang local meat, basta’t siguraduhing ito ay nalutong mabuti.

Photo by DOH FB page

Sama-sama pang kumain ng baboy ang mga opisyal ng DA at DOH sa pangunguna ni Secretary William Dar at Secretary Francisco Duque upang ipakita sa publiko na ligtas itong kainin.