DA, nagkaloob na ng tulong sa mga magsasaka sa Catanduanes na sinalanta ng malakas na bagyo at ASF


Pinagkalooban na ng Php 5.5 million rehabilitation asssistance ng Deaprtment of Agriculture ang mga magsasaka at livestock raisers na sinalanta ng malakas na bagyo at African Swine Fever sa Catanduanes .
 
May 100 rice farmers mula sa dalawang farmers organization na benepisyaryo ng DA Special Area for Agricultural Development ang binigyan ng palay seeds at fertilizers.

Oktubre noong nakalipas na taon ng hagupitin ng super bagyong Rolly ang Catanduanes at nag iwan ng Php1.4 billion pinsala sa agrikultura, imprastraktura at post harvest facilities.

Bago ito, una na silang hinagupit ni bagyong Quinta na nakapagtala ng pinsala sa agrikultura at pangisdaan ng abot sa Php437 million.

Samantala, may 66 livestock beneficiaries na apektado ng ASF sa Bato at San Miguel, Catanduanes ang pinagkalooban din ng tulong ng DA.