COVID vaccine sa bansa hindi pwedeng ibigay sa lahat ng essential workers o A-4 category

Hindi pwedeng ibigay ang lahat ng bakuna kontra COVID-19 sa essential workers o A-4 category sa priority list ng gobyerno.

Nilinaw ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na galing sa Covax facility ng World Health Organization (WHO) ang ibang COVID vaccine na nasa bansa.

Batay sa guidelines o panuntunan ng WHO, prayoridad sa pagbabakuna ang mga “vulnerable sector ” kabilang ang mga health workers, senior citizen at may mga comorbidities. Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH), ang guidelines sa pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa essential workers.