COVID vaccination rollout ng pamahalaan, di mabagal bagkus ay may sinusunod lang na proseso

Hindi mabagal ang paggulong ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mayroon lamang proseso na kailangang pagdaanan ang mga dumarating na bakuna sa bansa, bago magamit ang mga ito.

Halimbawa aniya ang kadarating lang na 1.5 million doses ng Sinovac vaccines, 500, 000 doses dito ay nai-deploy na sa Metro Manila dahil lumabas na ang certificate of analysis nito. Habang ang natitirang 1 milyong doses ay sumasailalim pa sa pagsusuri para sa certificate of analysis.

Sa ganitong paraan aniya, mapo-protektahan at matitiyak ng pamahalaan, na kapareho ng kalidad ng mga bagong dating na bakuna ang mga doses na una nang dumating sa bansa.

“Well, hindi po siya mabagal pero kung hindi, may mga proseso na dapat pagdaanan at iyon po ‘yung dahilan kung bakit pagdating hindi kaagad magamit.” —Secretary Roque.

Ayon kay Secretary Roque, nag-iingat lang ang pamahalaan at tinitiyak lamang nito ang kalidad ng mga bakuna, bago ipagamit sa publiko.

“So nag-iingat po tayo, pinag-aaralan po natin talaga sa pamamagitan ng certificate of analysis.”—Secretary Roque.