COVID testing, mas pinaigting sa mga area labas ng NCR plus bunsod ng nakikitang pagtaas ng kaso

Nagdagdag ng deployment ang National Task Force against COVID-19 para sa mas maigting na testing efforts nito partikular sa mga lugar na nakikitaan ng upward trend sa bilang ng kaso ng virus.

Ito ang inihayag ni testing czar Secretary Vince Dizon ngayong kasabay ng bumababa ng naitatalang kaso sa NCR plus ay nagkakaroon naman ng pagsipa sa Visayas at Mindanao.

Ganito naman talaga ang siste ani Dizon sa paglaban sa COVID-19 sabay paalala sa mga nasa LGU na kailangang maging maagap ang mga ito sa detection and isolation.

Ang kailangan sabi ng testing czar ay maisagawa ng hindi lalampas sa limang araw ang pagpapa- test, tracing at isolation.

Mayroon daw kasing iba’t ibang area na umaabot pa ng mahigit sa sampung araw na sa ganoong katagal na panahon ay tiyak na marami ng nahawa at nakahawa.