COVID cases sa Davao City at Quezon City, hindi dapat pagkumparahin, ayon sa Malacañan.

Hindi dapat pinagkukumpara ang COVID- 19 situation ng Quezon City at Davao City.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng ulat ng OCTA Research, kung saan lumalabas na nalampasan na ng Davao City ang COVID cases ng lungsod Quezon.

Ayon sa kalihim, hindi patas na pagkumparahin ang dalawang lugar dahil magkaiba ang sitwasyon ng mga ito.

Ang Quezon City aniya ay matagal nang sumailalim sa ECQ at MECQ kaya’t mabilis na na-contain ang mga kaso. Habang ang Davao City naman ay nasa ilalim ng GCQ sa matagal na panahon.

Bukod dito, sa Davao rin aniya dinadala ang karamihan sa mga severe cases na galing sa mga kalapit lugar nito sa Timog na bahagi ng bansa, kaya’t mataas ang COVID cases na pumapasok sa kanilang datos

Sa kabila nito, tiniyak ni Secretary Roque na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mapigilan ang pagdami pa ng COVID cases sa bansa.