COVID-19 vaccines na naiturok na sa buong bansa, umabot na sa 6.95 million doses

Umakyat na sa halos 1.88 million ang nakakumpleto na ng dalawang doses ng bakuna kontra COVID-19 mula sa datos ng Department of Health.

Sa kabuuan, ay halos nasa 6.95 milyong doses ng bakuna na ang naiturok kung saan halos 5.7 million ang ibinakuna sa unang dose.

Sa naturang bilang, ay halos 983,000 doses na ang naiturok sa nakaraang linggo.

Kaugnay nito, ay hinimok ng pamahalaan ang ilan pang nasa A1 hanggang A4 category, na magpabakuna na at kumpletuhin ang pagbabakuna ng ikalawang dose.

Sa kabila nito, ay umapela rin ang gobyerno sa mga nabakunahan na, na patuloy na sumunod sa minimum-public health standards, dahil sa maaari pa rin silang tamaan ng COVID-19 at makapanghawa pa rin.