COVID-19 recovery rate sa Rizal, umakyat na sa 87%

Unti-unti ng bumubuti muli ang COVID situation sa Lalawigan ng Rizal.

Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office, umakyat na muli sa 87 percent ang COVID-19 recovery rate sa buong lalawigan.

Nangunguna sa may pinakamataas na recovery rate ang Antipolo City na pumalo sa 93.80 percent, na sinundan ng Tanay at Cainta.

Kaugnay nito, bahagya na rin bumaba sa 274 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa lalawigan.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 2,791 active cases na mino-monitor sa buong Rizal kung saan pinakamaraming kaso ang naitala sa Taytay.

Patuloy pa rin ang paaalala ng pamahalaang panlalawigan sa mga residente, na huwag magpakampante at sumunod pa rin sa heatlh protocols.