COVID-19 positive cases sa QC, bumaba na sa higit 1,000


Bumaba na sa 1,970 o 2% na lang ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Ito’y base sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Disease Surviellance Unit(CESU) hanggang kahapon.

Umangat na rin sa 96.8% o 95,857 ang mga indibidwal na gumaling na sa sakit mula sa 98,982 na kabuuang bilang na nagpositibo sa lungsod

Sabi pa ng CESU maaari pang magbago ang bilang ng mga kaso dahil na rin sa isinasagawang community-based testing.

Gayunman umaasa pa ito na tuloy tuloy na ang pagbaba ng kaso habang walang patid na ang isinasagawang pagbabakuna sa iba’t ibang lugar sa lungsod.