COVID-19 mega vaccination hubs ng Taguig, bubuksan para sa NCR Plus

Plano ng Lokal na Pamahalaan ng Taguig na buksan ang COVID-19 mega vaccination hubs nito, sa mga karatig-lungsod na miyembro ng NCR Plus pagsapit ng November.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, magagawa ito kung itataas ang kapasidad ng pagbabakuna sa 10,000 indibidwal kada araw pagdating ng September.

Batay sa orihinal na target ng city government, makakamit ang herd immunity laban sa virus sa March, kung hindi babaguhin ang capacity na 4,000 residente kada araw.

Pero sa susunod na buwan ay itataas ito sa 5,600 kada araw, lalo at ilulunsad na ang dalawang units ng Taguig Vaccination bus.

Bukod dito, nakipagkasundo ang local government sa Megaworld Corporation, para magamit bilang mega vaccination site ang Venice Piazza Mall sa Bonifacio Global City.

Nasa 650,000 residents ng Taguig ang target na bakunahan kontra COVID-19.