COVID-19 cases sa Navotas, bumaba na sa 165

Ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang patuloy na pagbaba ng bilang ng COVID-19 active cases sa lungsod.

Sa inilabas ng COVID-19 update ng Navotas LGU kagabi, bumaba na lamang sa 165 o 3.5% ang bilang ng kasalukuyang ginagamot mula sa virus.

Umabot naman sa 4,651 ang bilang ng mga gumaling na mula sa sakit.

Nananatili naman sa 141 ang bilang ng nasawi dahil dahil sa COVID-19.

Bagamat pasok na ang COVID-19 cases ang lungsod sa 5% threshold positivity rate ng World Health Organization, hinihimok pa rin ng lokal na pamahalaan ang mga residente na sundin ang mga health protocols at huwag magpabaya upang hindi na lumobo ang kaso ng COVID-19.