COVID-19 cases sa lalawigan ng Batangas, nadagdagan pa ang bilang

May mga lugar pa sa lalawigan ng Batangas ang nadagdagan pa ang bilang ng COVID-19 cases.

Sa ulat ng Provincial Health Office, kabilang ang Lipa City na nakapagtala ng 28 bagong kaso, Batangas city 25, Tanauan City 14, Calaca 12, San Pascual 11 ,Alitagtag at Sto Tomas  na may tig-9 at 16 na iba pang lugar na nadagdagan ng minimal na bilang.

Sa kabuuan, pumalo na sa 19,790 ang COVID-19 cases sa buong lalawigan. Nasa 2,038 ang active cases, 16,748 ang mga gumaling na at 734 ang mga sumakabilang buhay na.

Samantala, bukas nakatakda namang mabakunahan sa City Evacuation Center sa Sto. Tomas ang mga senior citizens mula sa Barangay San Rafael para sa kanilang ikalawang dose.

Isusunod naman kinabukasan ang mga Senior citizens mula sa Barangay San Pablo para sa unang dose ng COVID-19 vaccine.