Courtesy resignation ng mga taga PCOO, posible kung maibalik ang Office of the Press Secretary – Sec. Andanar

Hindi pa napag-uusapan ang paghahain ng courtesy resignation ng mga taga Presidential Communication Operations Office (PCOO), sa gitna ng isinusulong na pagbabalik ng Office of the Press Secretary.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, naghihintay pa rin sila ng pormal na anunsiyo mula kay Pangulong Rodrigo Duterte bago gumawa ng susunod na hakbang sa buong team ng PCOO.

Dagdag ni Andanar, na sakaliā€™t tanggapin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagiging Press Secretary hindi nila inaalis ang posibilidad na maglagay ng kanyang pinagkakatiwalaang mga tauhan si Roque, na maaari nitong ipuwesto bilang Assistant at Under Secretary.

Ani Andanar, isang bagay ito na maaaring mapag-usapan sa pagitan ng Pangulo at ni Secretary Roque.

Sa ngayon ay status quo pa rin ang sitwasyon sa PCOO habang naghihintay ng anumang susunod na development tungkol sa posibleng pagpapalit ng liderato sa PCOO bunsod ng isinusulong na pagbabalik sa tanggapang ng Press Secretary. | ulat ni Alvin Baltazar