Couping beam ng ginagawang Skyway project sa Balintawak, bumagsak

Nagdudulot na ng pagbagal sa daloy ng trapiko ang Southbound lane ng NLEX papasok ng Balintawak dahil sa pagbagsak ng couping beam ng ginagawang Skyway stage 3 section project.

Nangyari ang pagbagsak ng beam kaninang madaling araw malapit sa Balintawak exit.

Wala pang maibigay na tamang impormasyon kung bakit bumagsak ang beam habang ikinakabit sa malaking concrete post.

Isa sa dalawang lane ng NLEX ang madadaanan lang sa ngayon ng mga sasakyan mula sa bahagi ng norte.

Wala namang nasaktan o nabagsakan ng beam.

Gumagawa na ngayon ng mga paraan ang mga kinauukulan para matanggal na ang nakabitin pang beam.