Cost-reimbursement ng private companies sa bakuna para sa pamilya ng kanilang employees, walang mali — Malacañan

Walang nakikitang mali ang Malacañan sa cost-sharing o cost-reimbursement ng mga pribadong kumpanya, para sa COVID-19 vaccine na ituturok sa pamilya ng kanilang mga empleyado.

Ibig sabihin, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ayos lang na pagbayarin ng private companies ang pamilya o dependents ng mga empleyado nito, na tuturukan ng bakunang binili ng mga pribadong kumpanya.

Binigyang diin ni Secretary Roque, na reimbursement lang ang dapat na ibabayad dito para sa vaccines na inorader ng private company.

Aniya, wala dapat na tubo ang cost-sharing na ito at wala rin dapat na profit ang mga kumpanya rito.

Hindi rin dapat na makarating o ibebenta sa ibang indibidwal ang mga bakunang binili ng pribadong sektor, para sa kanilang mga kawani.