Congressional deliberations sa 2020 budget ng DepEd, sasabayan ng lobby ng mga guro

Kasabay ng paggunita ng Teachers  Month, igigiit muli ng mga public school teachers at iba pang education workers ang kahilingang substantial pay increase.

Ngayong araw, pupunta sila sa House of Representatives para mag-lobby at igiit na maglaan ng malaking budget ang gobyerno para sa kanilang salary increase.

Ipapanawagan din ng grupo ang rechanneling ng pondo mula sa militarist and corruption-prone programs tungo sa mga probisyon para sa kapakanan ng mga tao.

Alas-3:00 ng hapon mamaya, magmamartsa ang mga guro sa ilalim ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) patungo sa Kamara kasabay ng deliberasyon ng Kongreso sa 2020 budget ng Department of Education (DepEd).

Bukod sa edukasyon, panawagan din ng grupo ang malaking alokasyon para sa iba pang social services tulad ng health services, housing, at iba pa.