Confirmation ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, welcome sa Malacañang

Kinagalak ng Malacañang ang pagkakakumpirma ng Commission on Appointments (CA) kay bagong Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, isang mahalagang sektor para sa pag-unlad ng ekonomiya ang tourism industry kaya naman welcome para sa kanila ang confirmation ni Puyat sa Departament of Tourism (DOT).

Kumpiyansa rin aniya ang Malacañang na mas mapapalakas pa ni Puyat ang sinimulan na nitong reporma sa ahensya.

Nitong Mayo lang itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si Puyat bilang kalihim ng DOT matapos magbitiw sa pwesto si dating DOT Secretary Wanda Tulfo-Teo.

Sa isinagawa ring confirmation hearing ay walang naging objection at nakumpirma ito ng CA sa loob lang ng anim na minuto. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion