Competitive enhancement fund para sa hog sector napapanahon na — Rep. Quimbo

Bilang long term solution para suportahan at palakasin ang local hog o swine industry ng bansa, ay itinutulak ni Marikina Representative Stella Quimbo ang paglalaan ng competitiveness enhancement fund para sa naturang sektor.

Nakapaloob ang naturang programa sa House Bill 9256 o Affordable Pork Act of 2021, na inihain ng mambabatas kamakailan.

Diin ng kinatawan, ang naturang swine competitiveness enhancement fund o SCEF, ang titiyak sa resilience ng local pork industry sa pangmatagalan.

Gagamitin aniya ito para sa pagpapaunlad ng productive capacity ng local hog industry, upang makapagsabayan sa kompetisyon ng imported pork meat na mas mura.

Ang pahayag ng kinatawan ay kasunod na rin ng pagpalo sa 4.5 percent ng inflation rate para sa buwan ng April, kung saan ang inflation para sa karne ng baboy ay naitala sa 22.1 percent.