Compensation para sa mga Pilipino na magpopositibo sa COVID-19, pinasasama ng isang mambabatas sa Bayanihan 3

Inirekomenda ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janet Garin na bigyan ng kompensasyon ang mga Pilipino na sasailalim sa swab test maging ang magpopositibo sa COVID-19.

Sa kanyang interpelasyon, ipinunto ni Garin na ang mga sasailalim sa swab test ay maaaring bigyan ng P1,000 hanggang P2,000 na compensation para sa mga araw na kailangan lumiban sa trabaho ng indibidwal habang hinihintay ang resulta ng test.

Bukod dito, kung magpopositibo ang indibidwal, hiling din ng mambabatas na mabigayan ito ng P10,000 na kompensasyon.

Tugon naman ni Marikina Rep. Stella Quimbo, maganda ang naturang suhestyon ni Garin, sabay sabi na ito ay pag-uusapan ng mga author ng Bayanihan 3 bill.

Sa kasalukuyan mayroong P5,000 hanggang P10,000 na panukalang ayuda sa COVID-19 affected household bukod pa sa “Ayuda to all Filipinos” na nagkakahalaga ng P1,000 kada Pilipino.