Community quarantine sa June, iaanunsiyo ni PRRD mamayang gabi

Inaasahan mamayang gabi inaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang bagong community quarantine, na iiral sa NCR Plus areas at iba pang bahagi ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posible ring talakayin ng Pangulo sa kanyang Talk to the People ang iba pang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force (IATF), kaugnay sa mga negosyo na posibleng unti-unting buksan.

Nagkaroon na rin aniya ng rekomendasyon ang IATF, kaugany sa extension ng travel ban sa ilang mga bansa laban sa Indian variant ng COVID-19.

Sa kasalukuyan aniya, ay wala pang desisyon ang Pangulo kung palalawigin ang mga travel ban na ito.

Samantala, bago ang pulong ng Pangulo sa mga miyembro ng IATF mamayang gabi, magkakaroon muna ng pag-uusap si Pangulong Duterte at Cebu Governor Gwen Garcia.

Mayroon itong kinalaman sa mga protocol na ipatutupad sa inbound travelers at uumuuwing Pinoy sa Cebu.