Community pantries, ginamit ng ilaan para siraan ang gobyerno ayon sa NTF-ELCAC

Tinukoy ni Presidential Human Rights Committee Secretariat Executive Director at NTF-ELCAC spokesperson Usec. Severo Catura na may pamumulitka sa biglang pagsulpot ng mga community pantry.

Sa pagtalakay ng House Committee on Human Rights, sinabi ni Catura na mayroong political agenda ang mga nasa likod ng community pantry.

Binaboy aniya ng mga ito ang diwa ng bayanihan dahil pinalabas ng mga ito na walang ginagawa ang gobyerno para tugunan ang pandemiya.

Dagdag pa nito na nito na may ilan naman indibidwal, komonidad, socio-civic groups at mga simbahan na nagtayo ng community pantry na hindi na ginawan ng media hype ang kanilang pag-tulong.

Ganito rin ang paniwala ni Senior Deputy Majority Leader at Caloocan Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla.

May ilang grupo aniya na ginagamit ang community pantry upang masisi lamang ang gobyerno sa gitna ng pandemiya.

Kwestiyonable din aniya ang mga tumutulong na nagpapasikat lamang sa social media.

Sa huli, pinaalalahanan naman ni Quezon City Rep. Jesus “Bong” Suntay, chair ng komite ang panig ng community pantry organizers at uniformed personnel na maging maingat sa mga pahayag at magtulungan na lamang imbes na magbangayan.