Community Fireworks Display, isinusulong sa Pangasinan

Layunin ng hakbang na mapababa ang bilang ng kaso ng firecracker related injuries na naitatala sa probinsya kada taon.

DAGUPAN CITY—Isinusulong sa lalawigan ng Pangasinan ang pagsasagawa ng Community Fireworks Display sa pagsalubong sa bagong taon kapalit ng mga paputok.

Layunin ng hakbang na mapababa ang bilang ng kaso ng firecracker related injuries na naitatala sa probinsya kada taon.

Mismong mga lokal na pamahalaan ang hinihikayat na isulong sa kanilang lugar ang pagbabawal sa paputok lalo na sa mga kabataan na madalas na mabiktima nito.

Sa ngayon ay tatlo na ang naitalang naputukan dito sa probinsya na pawang mga kalalakihan na edad 14, 26, at 29.

Matatandaan na Hunyo ng taong kasalukuyan ng lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order number 28, na nagri-regulate sa paggamit ng paputok. | via Dzmq