Community caring facilities sa QC, nasa 78% nang okupado

Unti-unti na ring nauubusan ng mga bed capacity ang lahat ng community caring facilities sa lungsod Quezon dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nahahawaan ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, nasa 78.95% ng okupado ang lahat ng HOPE facility ng buong lungsod matapos lumobo sa nakalipas na isang linggo ang mga tinatamaan ng virus.

Nasa 97.5% na rin ang occupancy rate ng Quezon City General Hospital habang 86.3% ang Rosario Maclang Bautista General Hospital.

Umapaw naman sa 118.70% ang occupancy rate ng Novaliches District Hospital dahil sa dami ng mga naka-confine na covid patient.

Sa kasalukuyan, nasa 5,358 ang active cases sa buong lungsod habang 106,241 ang naitalang gumaling at 1,252 na ang namatay.