Communication arm ng pamahalaan, pinuri ng Malacañang dahil sa malawakang paghahatid ng impormasyon sa kasagsagan ng bagyong Rolly

Pinuri ng Palasyo ang naging papel ng mga himpilan ng pamahalaan sa pagbibigay ng kailangang impormasyon nitong nakalipas na kalamidad.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kanyang binibigyang pugay ang mga mamamahayag ng government owned TV station na PTV gayundin ng Philippine Information Agency (PIA).

Kahayagan aniya ito na gumagana ang communication infrastructure ng pamahalaan sa panahon ng ganitong mga aberya tulad ng bagyo.

Kaugnay nito’y naniniwala ang Malacañang na walang communication vacuum sa paghahatid ng balita’t impormasyon sa pagkawala sa ere ng ABS-CBN.

Bukod naman ani Roque kasi sa government station ay naririyan din ang iba pang mga pribadong news agencies na nangalap ng kailangang mga balita sa panahon ng naganap na kalamidad.