General Appropriations bill, aprubado na sa komite level sa Kamara

Sa isang executive session ay inadopt ng komite ang panukala ni House Appropriations Chair Isidro Ungab na nakabase sa isinumiteng National Expenditure Program (NEP) ng pamahalaan.

Ayon kay Ungab, wala naman nag-object sa panukala at sisimulan na bukas ang plenary debates para sa pambansang pondo.

Pahayag ni House Appropriations Chair Isidro Ungab, hinggil sa pag-apruba sa komite report ng General Appropriations bill, plenary debates para sa pambansang pondo sisimulan na bukas. | via Kathleen Forbes

Posted by Radyo Pilipinas on Monday, September 9, 2019

Iginiit din nito na procedural matter lamang ang pagpapatawag ng executive session at wala silang anomang nais itago kaugnay sa pambansang pondo.

Base sa kanilang timeline, September 20 matatapos ang interpellation sa plenaryo at inaasahang maipapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala sa October 4.

unang sasalang bukas sa plenary debates ang pondo ng Department of Finance (DOF), National Economic and Development Authority (NEDA), LEDAC at iba pang executive offices, tulad ng National Intelligence Coordinating Council at National Decurity Council.