Spox Jimenez, nagbitiw bilang focal person ng COMELEC Local Source Code Review

Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez nagbitiw bilang focal person nang COMELEC Local Source Code Review makaraang mag-flash mula sa kanyang personal na laptop ang larawan ng isang Filipina actress na naka-bikini.

Humingi ng paumanhin si Jimenez sa pangyayari at tinanggap ang responsibilidad para dito.

Naganap ang “flashing” sa source code review kick-off event noong Sabado sa De La Salle University.

Paliwanag ni Jimenez, ang larawan ay nasa desktop ng kanyang personal na laptop.

Lumitaw ang imahe sa pagitan ng paglilipat nila ng program.

Nagbitiw siya dahil nais niyang panatilihin ang transparency at integridad ng COMELEC source code review.

Mananatili pa rin si Jimenez bilang director nang planning department at opisyal na tagapagsalita ng Commission. | ulat ni Janet Bayan