Comelec, kampanteng magiging mapayapa ang isasagawang plebesito sa Sto. Tomas, Batangas

Kampante ang Commission on Elections (COMELEC) na magiging mapayapa at mabilis ang magaganap na plebesito para maging lungsod ang bayan ng Sto. Tomas, Batangas.

Ayon kay Comelec Spokersperson James Jimenez, wala silang nakikitang problema o kontrobersiya na maaaring mangyari sa araw ng plebesito.

Dagdag pa niya ay cut and dried na, o inaasahang magiging lungsod na ang nasabing bayan, dahil sa malakas na suporta ng mga residente ng Sto. Tomas.

Handa at naayos na rin umano ang lahat ng mga dokumentong gagamitin sa Sabado. Handa na rin ang mga gurong magsisilbi bilang election officer sa nasabing bayan.

Inaasahang aabutin ng 24 na oras, bago malaman kung makukuha ng bayan ang city status.

Kaugnay nito ay sinuspinde muna ng Comelec ang voters registration sa nasabing lungsod mula September 4 hanggang 11, at magpapatuloy sa September 12.