Comelec, dinepensahan ang gurong kinompronta ni Mayor Guiani sa kasagsagan ng BOL plebiscite

Dinepensahan ng Commission on Elections (Comelec) ang guro na kinompronta ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani sa kasagsagan ng plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) nitong Lunes.

Ayon sa tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez, nakipag-kompromiso lang diumano ang guro na si Bai Malejah Sulvan na makipagpalit ng boto dahil na-intimidate ito.

Sabi pa ni Jimenez, na kung may iregularidad mang naganap ay dapat idaan na lang ito sa legal na proseso, at huwag sa pamamagitan ng komprontasyon na tila hina-harass ang mga nagsisilbi sa plebisito.

Paliwanag pa nito, na kanila rin namang iimbestigahan ang insidente kung maghahain sila ng kaso sa Comelec. | ulat ni Armando Fenequito – Radyo Pilipinas Davao