Closing ceremony ng Scout Ranger at Sniper Course sa San Miguel Bulacan, pinangunahan ni SAP Bong Go

Pitungpung (70) scout rangers at 18 snipers mula sa iba’t ibang unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine national Police (PNP) ang nagtapos na ng kanilang training course sa Scout Ranger Training School, Camp Tecson, San Miguel, Bulacan.
 
Ayon kay Army 1st Ranger Regiment Commander Col. William Gonzales, anim na buwang binuno ng mga scout ranger ang schooling para magkaroon sila ng dagdag kaalaman sa combat operations.
 
Ang mga nagsipagtapos ng Scout Ranger Course ay mula sa Class 204-2017 at Scout Sniper Course na mula sa Class 24-2017.
 
Panauhing pandangal ng mga graduating students si Special Assistant to the President Christopher Bong Go.
 
Sa pagdating ni SAP Bong, inalam agad nito ang status ng mga scout rangers lalo na sa usapin ng kanilang kondisyon at pangangailangan.
 
Isang ‘boodle fight’ ang inihanda para sa mga nagtapos kasama ang kanilang pamilya at kay SAP Go.
 
Mula sa San Miguel, Bulacan didiretso si SAP Go sa mga nasunugang pamilya sa Sampaloc, Maynila para alamin din ang kalagayan ng mga ito. | ulat ni Rey Ferrer