Chinese Presdent Xi Jinping, nagpaabot ng pakikiramay sa mga biktima ng Jolo Cathedral blast

Nagpaabot ng pakikiramay si Chinese President Xi Jinping sa mga biktima ng nangyaring pagpapasabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo Sulu, na ikinamatay ng hindi bababa sa 20 indibidwal at ikinasugat ng higit 100 iba pa noong Linggo.

Sa sulat ni President Xi kay Pangulong Rodrigo Duterte, nakasaad ang kanyang pagkabigla sa mga naganap na pagpapasabog.

Kaugnay nito, kinukondena din ni President Xi ang nangyaring terroristic attack sa mga sibilyan at tiniyak na handang tumulong ang China sa International Community sa paglaban sa terorismo.

Matatandaan na sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo, na handang tumanggap ang pamahalaan ng anumang tulong mula sa ibang bansa ito man ay sa porma ng intelligence information at military capability. | ulat ni Racquel Bayan