China, handang buksan ang pintuan para sa mga Filipino English teachers

Bukas ang China sa mga Filipino English teachers upang makapagtrabaho sa kanilang bansa.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, isa ito sa mga inaayos na kasunduan sa pagitan ng pamahalaang Pilipinas at ng China.

Paliwanag ni Sta. Romana, nakita na ng China ang pangangailangan nilang matuto ng wikang Ingles, kaya’t naiisip nitong mabuksan sa mga Pinoy teachers ang makapagturo ng salitang English.

Oportunidad aniya ito sa panig ng ating mga kababayan na nasa ganitong propesyon, sa gitna ng nakita ng China na nasa mga Pilipino ang kakayahang maturuan sila ng nasabing wikang banyaga.

Isa aniya ito sa inihahabol na mga agreement na posibleng mapagkasunduan bukas sa pagitan ng dalawang bansa, kasunod ng nakatakdang pagkikita nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President XI Jinping. | via Alvin Baltazar