CHED, pinawi ang pangamba ng mga magulang na hindi makakatapos sa kolehiyo ang kanilang mga anak

Pinawi ng Commission on Higher Education (CHED) ang pangamba ng mga magulang na baka hindi makapagtapos ng pag aaral sa Tertiary Education ang kanilang anak dahil sa mataas na bayarin sa eskwelahan.

Ngayong ipinatutupad na ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, may tsansa na ang estudyante na enrolled sa mga State Universities and Colleges , CHED-recognized Local Universities and Colleges, at state-run Technical-Vocational Institutions na makapagtapos ng kanilang pag aaral.

Binibigyang-diin naman ni Unified Student Financial Assistance System for Tertiary (UniFAST) EducatiON OIC Executive Director Atty. Carmelita Yadao-Sison na mahigpit na i-momonitor ng UniFAST ang mga SUCs at LUCs para matiyak na sumusunod ang mga ito sa “No Collection of Miscellaneous Fee” rule.

Sa MIMAROPA Region, may walong public higher education institutions na mag-aalok ng libreng edukasyon simula ngayong academic year 2018-2019
Ito ay ang: Marinduque State College, Mindoro State College of Agriculture and Technology, Occidental Mindoro State College, Palawan State University, Romblon State University, Western Philippine State University, Baco Community College at City College of Calapan.

Samantala ang susunod na iikutan ng Free Education Nationwide Information Caravan na pinangungunahan ng CHED ay ang Cordillera Administrative Region sa Hunyo 2 sa Crown Legacy Hotel sa Baguio City. | Ulat ni Rey Ferrer