CHED, inaprobahan na ang limited face-to-face classes ng PLM para sa medical courses

Nakuha na ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ang approval ng Commission on Higher Education na magpatupad ng limited face-to-face education sa Colleges of Medicine, Nursing, at Physical Therapy.

May ginawa nang pagbisita ang CHED officials sa PLM campus noong nakalipas na buwan para makita ang paghahanda ng paaralan.

Ayon sa CHED ang limited face-to-face classes ay tatagal hanggang sa first semester ng academic year 2021-2022.

Noong Enero ng taon,nagbigay na ng authority ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa local government officials na aprobahan ang anumang kalilingan na face-to-face classes para sa medicine at health-related courses aa gitna ng pandemiya.

May ginawa na ring online consultations ang PLM sa mga estudyante, magulang, faculty, at sa mga practicing doctors bago nakuha ang pahintulot ng CHED para sa pagbabalik ng hands-on learning.

Photo by Philippine Information Agency