CHED, binalaan ng CHR kaugnay ng mandatory drug testing sa kolehiyo

Ikinababahala umano ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpapatupad ng mandatory drug testing para sa admission at retention policies sa mga estudyante sa kolehiyo.

Sinabi ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, bagamat kinikilala ng komisyon ang intensyon ng Commission on Higher Education (CHED) na gawing drug free ang mga kolehiyo at pamantasan, dapat ay maging maingat ito sa pamamaraan ng pagpapatupad nito.

Ayon kay De Guia, may pakialam ang ahensya sakaling makita nila na ipinasasalo sa isang partikular na sektor ang bigat ng hamon ng “war on drugs” sa halip na ang mga ito ay maprotektahan.

Sa halip na kondenahin, responsibilidad ng education institutions na gabayan ang mga estudyante na magbago at iwasan ang droga. | ulat ni Rey Ferrer