Cha-Cha, hindi prayoridad ng Kamara – House Majority Leader Romualdez 

Aminado si House Majority Leader Martin Romualdez na wala sa hanay ng priority measures ng Kamara ang Charter Change o Cha-Cha.

Aniya, bagamat, tututukan ng Mababang Kapulungan ang mga nakahanay sa priority agenda ng administrasyong Duterte na inihayag ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA), hindi dito kasama ang pagpapalit ng konstitusyon.

Pero hindi naman ito nangangahulugan na patay na o wala nang pag-asang mapag-usapan sa Kapulungan ang panukala.