CEO ng Phil Nat’l Oil Co. Exploration Corporation, pinagbitiw ni Pangulong Duterte sa pwesto

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Philippine National Oil Company-Exploration Corporation (PNOC -EC) Chief Pedro Aquino Jr.

Ito ang kinumpirma ng Palasyo, dahil anila sa ‘lost of confidence’ ng Pangulo kay Aquino.

Matatandaan na una nang lumutang ang mga balita kaugnay sa maagang pag-apruba ni Aquino sa isang deal o MOA kasama ang isang Russian firm nang walang pag-apruba ng Department of Energy (DOE).

Muling iginiit ng Palasyo na ang direktiba ng Pangulo sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan ay umaksyon o kumilos lamang ng naaayon sa batas, at iwasan ang anumang iregularidad.

Binigyang-diin rin ng kalihim na walang sacred cow sa pamahalaan sa laban ng administrasyon kontra katiwalian.  At ang kautusang ito ng Pangulo ay alinsunod sa kaniyang anti-corruption campaign.