CBCP, lubos na nagpasalamat sa pamahalaan at sa Pangulong Duterte, sa pagbabalik ng Balangiga bells sa bansa

Davao City – Lubos na nagpapasalamat ngayon ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa kasalukuyang administrasyon at kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusumikap nito na muling mabalik sa bansa ang kinikilala ng simbahang Katolika na “priceless religious treasures.”

Sa pahayag na inilabas ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, lubos ang kanilang pasasalamat sa pamahalaan ng Pilipinas partikular na sa kasalukuyang administrasyon sa matagumpay na pagbabalik ng mga kampana.

Maliban sa gobyerno ng Pilipinas ay nagpapasalamat rin ang CBCP sa hakbang ng US government hinggil dito, kung saan ay matapos ang 117 years ay maibabalik na ang mga kampana sa lugar kung saan ito higit na nararapat. | ulat ni Sheila Lisondra – Radyo Pilipinas Davao