Caucus para ayusin ang namumuong paksiyon sa PDP-Laban, bukas gagawin – SAP Go

Bukas gaganapin ang caucus na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hanay ng PDP-Laban.

Ito ay kasunod ng nangyaring hindi pagkakaunawaan sa panig ng mga opisyales nito, partikular sa pagitan nina Senador Koko Pimentel at ni Rogelio “Vic-Vic” Garcia na nagtanggal kay dating Speaker Pantaleon Alvarez bilang Secretary -General ng partido.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Christopher Lawrence “Bong” Go, hindi pahihintulutan ni Pangulong Duterte na magkaroon ng pagkakawatak-watak ang partido at sa halip ay palalakasin pa ito ng Chief Executive.

Binigyang-diin ni SAP Go, na hindi maitatangging ang partido ang nagdala at may malaking naitulong sa Chief Executive upang maipanalo ang kandidatura nito noong taong 2016 kaya’t sisikapin aniya ng Pangulo na ayusin ang dalawang nagbabanggaang paksiyong namuo sa PDP-Laban.

Una nang nakausap ni SAP Go ang kapwa kampo nina Garcia at Pimentel na nagpahayag naman ng pagiging bukas sa  pag-uusap sa harap ng Pangulo na mangyayari  bukas. | ulat ni Alvin Baltazar