Cast ng Pelikulang “Kontradiksyon,” sumailalim sa voluntary drug test

Sumailalim sa voluntary drug test ngayong araw ang cast ng ipapalabas na pelikulang “Kontradiksyon.”

Ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang mga artista ay nagtungo sa kanilang laboratory service sa lungsod Quezon kaninang umaga.

Ang nasabing pelikula, na sinulat at dinirehe ni Palanca Award-winning writer-Director Njel de Mesa, ay tungkol sa giyera kontra droga ng gobyerno.

Ito ay pinagbibidahan nina Kris Bernal at Jake Cuenca. Kasama rin dito sina John Estrada, Will Devaughn, Paolo Paraiso at Katrina Halili. | ulat ni Ched Oliva