Cartridge-based PCR tests, pasok na rin sa PhilHealth coverage

Sasagutin na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang bayad sa SARS-CoV-2 testing, gamit ang cartridge-based polymerase chain reaction (PCR) tests.

Ito ang inanunsyo ng PhilHealth, sa layong mapalawak pa ang targeted testing capacity sa bansa.

Batay sa PhilHealth Circular No. 2021-0003, ang bagong benefit package ay mula P1,059 hanggang P2,287, na direktang babayaran sa accredited testing laboratories.

Bagamat bukas ito sa lahat ng miyembro ng PhilHealth, ang magiging eligible sa naturang benepisyo ay mga pasok sa priority sub-groups sa “at-risk” population na may sintomas ng COVID-19, may high risk exposure o may contact sa isang positive patient, at iba pang vulnerable patients tulad ng mga buntis, immunocompromised at dialysis patients.

Pasok din dito ang mga healthcare worker, returning Overseas Filipino Workers na kailangan ma-test sa port of entry, at pati na frontline at economic priority workers kabilang ang mass media.