Cardinal Tagle, binigay ang kanyang suporta at dasal sa PNP

Tiniyak ni Manila Archbishop Cardinal Luis Tagle kay Philippine National Police Chief PDG Oscar Albayalde ang kanyang pagsuporta at pagdarasal sa PNP para matamo ang ligtas at magandang kinabukasan sa susunod na henerasyon.

Ayon kay PNP Spokesperson SSupt. Benigno Durana, ito ay matapos na mag-courtesy call ang PNP chief sa mahal na kardinal kahapon sa Archbishop’s Palace sa Maynila.

Kasama ni Albayaldeng humarap sa lider ng simbahang Katoliko sina NCRPO Director Guillermo Eleazar at ang limang district directors ng NCRPO na lahat nagpahayag ng kanilang pananampalataya sa Diyos.

Ipinaliwanag ng mga opisyal kay Cardinal Tagle na ang kanilang pagsisikap na labanan ang kriminalidad ay hindi lamang para sa iisang tao kundi para sa buong bansa.

Siniguro din ni Albayalde kay Cardinal Tagle na istriktong igagalang ng PNP ang rule of law at human rights sa pinaigting na kampanya kontra droga. | ulat ni Leo Sarne