Canvassing ng BOL plebiscite sa North Cotabato, matatagalan

Inamin ng Commission on Elections (Comelec) Region 12, na matatagalan bago matapos ang canvassing of votes sa ginanap na plebisito sa pitong bayan ng North Cotabato.

Paliwanag ni Comelec 12 regional director Atty. Michael Abas, na baka aabutin ng dalawang araw ang canvassing  dahil sa dami ng tanong sa balota ng bawat bayan, dahil na rin sa dami ng mga barangay na isasali sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang bayan ng Pikit ang nanguna sa may pinakamaraming mga barangay na balak isali sa BARMM, na may 23, sumunod ang Midsayap na may 13 at Pigcawayan na may 12.

Ayon kay Abas, sa tantiya nila sa Pebrero 9 maipapadala ang mga canvassed vote sa National Board of Canvassers at aabutin pa ng ilang araw bago maideklara ang nanalong boto. | ulat ni Armando Fenequito