“Candle Lighting”, handog sa mga biktima ng HIV AIDs ng LGBT Congress sa Legazpi

Naghugis ribbon ang mga delegado ng kauna-unahang LGBT-Q Congress (lesbian, gay, bi-sex, transgender at queers) sa Lungsod ng Legazpi, sa pagsindi ng kandila para gunitain at ipagdasal ang mga biktima ng HIV AIDs, hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo.

Dinaluhan ito ng mahigit 300 mga LGBT mula sa anim na lalawigan sa rehiyon, at kaakibat ang mga aktibidad ng mga kagawad ng media sa Albay at buong rehiyon. Gayundin ang Philippine Press Institute, na namahala sa buong programa.

Sinabi ni Bacoor Cavite Mayor Lani Mercado Revilla, panauhing pandangal sa okasyon, sa kanyang lugar tanggap nang buong buo ang LGBT community. Katunayan aniya ay maraming programa, proyekto at aktibidad para sa buong taon ang ginagawa para sa grupo, katulad ng sa ibang sektor.

Ayon naman kay Kusog Bicolandia Founding Chairperson Noel De Luna,  ang programa sa  Bacoor Cavite  para sa LGBT ay kanyang dadalhin sa Bicol.

Kaakibat nito, sinabi ng Department of Health (DOH) Bicol na may mga  hygiene clinics sa rehiyon para sa mga HIV patients, Sa Albay ay may  apat na hygiene clinics, na nasa Legazpi, Daraga, Tabaco at  Malinao. | ulat ni Nancy Mediavillo-Radyo Pilipinas Albay