Caloocan LGU, namahagi na ng mga health kit kontra COVID-19 sa mga senior citizen

Nagsimula nang mamahagi ang lokal na pamahalaan ng Caloocan ng mga health kit sa mga senior citizen ng lungsod.  Itoy upang makaiwas ang mga ito sa COVID-19.

Ito’y kaugnay na rin ng direktiba ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan na tulungan ang mga residente na labanan ang nasabing sakit.

Tumungo sa iba’t ibang barangay ang mga tauhan ng Office of the Senior Citizens Affairs at Community Relations Office at namahagi ng mga health kits na naglalaman ng mga sabon at vitamins na makakatulong upang mapanatiling maayos ang kalusugan ng mga senior citizens.

Samantala, pinulong na rin ng pamunuan ng Caloocan City Medical Center ang mga medical personnel nito alinsunod sa direktiba nang alkalde na maging handa ang mga hospital sa Lungsod ng Caloocan kung sakaling may pasyenteng makikitaan ng sintomas ng COVID-19.